ANG OFWA AT ANG NAIS MONG MABATID
 |
ANO ANG
OFWA ?
Ang OFWA o Obeikan Filipino Workers Association ay samahan ng mga Manggagawa Pilipinong , na ang mga miyembro ay nagmula sa ibat-ibang kumpanya ng Obeikan Investment Group sa Saudi Arabia?
BAKIT BINUO O NABUO OFWA ?
Binuo ang OFWA upang mabuo ang pagkakaisa , ugnayan, pagsasamahan at pagtutulungan
ang mga kasapi ng samahan sa lahat
ng pagkakataon.
Mabuo ang magandang ugnayan sa
pagitan ng manggagawang Pilipino at ng namamahala o may ari ng kumpanya.
Magkaroon representasyon o pagkilala ang kumpanya, ang embahada ng Pilipinas at mga ahensiya ng gobyernong Pilipino sa
KSA at iba pang samahang buo at kinikilala
sa kaharian ,na makakatutulong sa ibat-ibang pangangailangan ng kasapi ng samahan.
Nabuo ang OFWA dahil na rin sa hangarin
ng mga manggagawang Pilipino na magkaroon ng kapanatagan o seguridad sa pansamantalang pamamalagi sa KSA at makaangkop sa kultura at sistemang umiiral sa kaharian .
Binuo upang may samahang masasandigan o maasahan sa oras ng kagipitan at pangangailangan.
Makapaglunsad ng mga gawain
o programang makatutulong sa paghubog ng mga kasapian, makapaglalapit ng kalooban
at makatutulong sa mga nangangailangang kasapi.
SINU-SINO ANG
KASAPI NG OFWA?
Ang mga kasapi ng OFWA ay
magmumula sa ibat-ibang kumpanyang sa ilalim ng Obeikan Investment Group na nagpahayag
ng kanyang kusang loob na pagsapi , paniniwala sa layunin ng samahan at kahandaang
makiisa sa gawain at layuning nais makamit ng samahan.
ANU-ANO ANG MGA PROGRAMA AT GAWAIN NG OFWA ?
SOCIALS & RECREATION
Dahil sa layunin nitong makatulong sa
pangangalaga ng kalusugan, paghubog sa mga kasanayan at talento gayudin
ang paglalapit ng kalooban ,maglulunsad ng regular na sports festival, outing, field
trip, atbpang kauri nito para sa mga kasapi at kagyat na pamilya nito.
TULONG PINANSIYAL
AT PROYEKTONG PAGSASAMPA NG PONDO-
Sa pagkasawi , sa
tuluyang pagkawala ng kakayahang maghanap
buhay , sa panahon ng kalamidad
ng mararanasan ng kasapi at kauri nito , isa sa layunin ng samahan ay madamayan ang mga kasapi at kagyat
na pamilya nito ,upang paggaanin ang dalahin sa takbo ng pamumuhay sa
oras ng kagipitan at pangangailangan .Ang mga tulong pinansiyal sa mga kasapi at gugulin ay magmumula na
rin sa mga kasapi at mga gawaing
o proyektong makapagsasampa ng pondong
inilunsad nito
|
|
|
 |

 |
 |
 |
 |
 |
 |
Obeikan Filipino Workers |

|
Proud To Be Pinoy |
|
.
There maybe little that one person can do, if he chooses to help others. But if all these simple, little acts of
service can be somewhat combined, together it might spell a big difference in other people's lives.
|
|
 |
 |
OUTREACH AT SOCIAL ACTION
Nilalayon din ng OFWA na
makatulong sa ibang mga Pilipino na nasa kaharian o maging sa Pilipinas na hindi naging mapalad sa buhay o kapos sa kakayahan na
tugunan ang mga pangunahing pangangailangan
.Halimbawa , sa pagtulong sa mga
nasa Bilangguan , mga kinakalinga na takas na
OFW ng embahada , mga may
sakit at maging biktima ng pagmamalupit o karahasan atbpa kung saan may kakayanang tumulong at dumamay ang OFWA?
·
OFWA EDUCATIONAL /ORGANIZATIONAL CONSOLIDATION * LEADERSHIP TRAINING/FORMATION –
Mahalagang habang patuloy
ang paglulunsad na ibat-ibang gawain
ay binibigyang pansin din ang kamulatan, kasanayan at aspetong pag-organisasyon ng pamunuan at kasapi . Sa pamamagitan ng team building, group dynamics , regular meetings
, leadership trainings, bull sessions atbpa. Na magtitiyak ng matatag at organisadong
samahan.
·LIVELIHOOD PROJECT OR PROGRAM PARA
SA MGA KASAPI NG OFWA
Mula sa paglulunsad ng mga seminars , o training , sa hinaharap , hinahangad ng OFWA na makapagtatayo ng isang livelihood project
ang samahan kung saan ang mamuhunan at nagpapatakbo ng hanap buhay ay mismong ang mga kasapi at kagyat na pamilya nito.
LINKAGES , RESOURCES TAPPING & NETWORK BUILDING
Nilalayon ng OFWA na makapagtatag
ng magandang ugnayan ang samahan sa Embahada/Gobyerno ng bansa , sa OIG , sa
ibang organisasyon, ahensiya o instutusyon na
makatutulong sa ibat-ibang aspeto o pangangailangan ng samahan upang mapatatag ito at mapalawak ang
impluwensiya para sa kagalingan ng kasapi at samahan.
|
 |
 |
 |
 |
 |
 |
|
|