Panimula-PREAMBULO
Kami ang mga Pilipinong Manggagawa
ng Obeikan Investment Group Riyadh KSA , sa tulong ng Poong Mapagkalinga , sa layuning makabuo ng isang samahang sasalamin sa aming adhikain ,layunin , tunguhin , magsusulong ng kagalingan panlahat mangangalaga
sa aming kapakanan , makakaisa ng iba pang samahan, institusyon o ahensiya , pribado man
o publiko ,na papanday at maglilinang ng aming kakayahan , ng kabuuan ng aming pagkatao, at ng aming pagiging Pilipino , sa ilalim ng sistema ng pamumunong naniniwala sa prinsipyo ng sama-sama o kolektibong pamumuno at tunay na demokrasya
ay nagtatadhana at nagpapahayag ,
ng Saligang Batas na ito.
Artikulo I. Opisyal na Pangalan , Logo, Motto , Pagkakakilanlan at Tanggapan
Sek 1 – OFWA o OBEIKAN FILIPINO WORKERS ASSOCIATION,
ang opisyal na pangalan ng samahan na irerehistro at ihihingi ng pagkilala o
akreditasyon sa embahada ng Pilipinas,sa Security and Exchange Commission , sa kumpanya at iba pang organisasyong nais na magkaroon ng pagkilala sa samahan.
Sek . 2 –May opisyal na
logong gagamitin ang samahan
sa lahat ng pagkakataon , mula sa
Identification Card, Certificate of Membership
, Official Paper , banner at iba pa ang samahan.
Sek 3. – Kung
mapagkakaisahan at mapagpasyahan ng mayorya ng
kasapian , maaaring magkaroon ng Motto
ang samahan .
Sek.4- Tanggapan –
Magkakaroon din ng opisyal na tanggapan ang samahan , ayon sa napagkasunduan o napagpasyahang lugar ng kasapi ng samahan ayon sa umiiral na kalagayan at pangangailangan nito.
Sek. 5 – Ang
opisyal na pangalan, logo , insignia
at iba pang pagkakakilanlan ng samahan ay tanging sa mga opisyal na gawain , pagtitipon lamang maaaring gamitin o dalhin bilang isang buong samahan o katawanin nito ang samahan.
Sek. 6 – Ang
sinumang kasapi na gumamit ng pangalan at kaugnay nito , sa alin mang personal na interes na makasisira sa kanyang iniingatang samahan ay pagkakalooban ng pandisiplinang hakbang na pagtitiwalag at pagsasauli o pagbabayad kung pera o
bagay ang kinuha sa ngalan ng samahan.
Artikulo II. Pahayag ng mga Simulain
, Paniniwala , Paninidigan at Tunguhin ng Samahan
SEK. 1. Ang OFWA ay samahang naniniwala sa
prinsipyo ng tunay na Demokrasya – mula sa tao tungo sa tao at
Sama-samang Pamumuno . Ang pinakamataas na kapangyarihan nito ay nakasalalay
sa mayorya ng kasapian at ang kapangyarihan ng lahat ng namumuno ay nagmumula sa kasapian nito.
SEK. 2. Ang Tao bilang pinakamataas na nilikha
ng Diyos ay hindi dapat nag iisa
at nilikhang may mahalagang papel na dapat
gampanan sa kanyang kapwa. Ang ugnayan ng tao ay hindi dapat matali sa sariling pamilya
lamang bagkus palawigin upang maging ganap
ang ugnayan niya sa kapwa tao, bagay ,lipunan at higit sa lahat Diyos.
Sek. 3.
Naniniwala at naninindigan na ang uring manggagawa ay may taglay na talino at kakayahan upang
makapag-ambag sa pag unlad ng lipunan,
na dapat pag ukulan ng pansin ,
pagpapahalaga at tulong ng pamahalaan at
lipunan.
Sek . 4.Naniniwala at naninindigan ang
samahan na nasa pagkakaisa, pagtutulungan
, pag uunawaaan at sama samang pagkilos
makakamit ang anumang mithiing
nais makamit ng mga kasapi at samahan.
SEK. 5. Naniniwala at naninindigan ang mga kasapi ng samahan na ang uring manggagawang kanilang kinabibilangan ay isa sa mahalagang saray o sektor ng lipunan na dapat bigyang pagkilala , halaga
at pag ukulan ng nararapat na tulong
o ayuda mula sa pamahalaan , hindi lamang sa panahon ng kagipitan
kundi sa lahat ng pagkakataon
at panahon.
Sek.
6 . Naniniwala at naninindigan
ang samahan na ang kalayaan at karapatang buuin ang kanilang hanay ay pandaigdigang
karapatan ng mga manggagawa na ginagarantiyahn ng pandaigdigang batas
sa paggawa .
SEK. 7. Naniniwala ,kinikilala at naninindigan ang samahan , na ang mapayapa at demokratikong proseso ay mahusay na pamamaraan sa pagreresolba ng mga isyu, hidwaan o di pag-uunawaan at iba pang usaping may kinalaman interes, at kagalingan ng mga , sa pagitan ng kasapi at ng namamahala/may ari ng kumpanya , ng ahensiya
ng pamahalaan ,ng samahan at
iba pang organisadong samahan sa KSA at sa Pilipinas.
SEK. 8. Naniniwala ang samahan na
ang patuloy na pag-aaral , pag aangat ng kamalayan sa sa mahahalagang gampanin ng
kasapi , bilang tao at bilang bahagi ng Lipunang Pilipino ay dapat patuloy
na bigyang pansin ng samahan.
SEK.
9. Bilang isang organisadong samahan , dapat
itaguyod ng samahan ang pantay
at walang kinikilingang paglilingkod
at pagtulong sa mga kasapi at ibang
nangangailangan ng tulong ayon sa abot ng
kakayayahan.
SEK. 10. Upang makamit ang layuning mabuo ang matatag na pagkakaisa , pagtutulungan , magandang ugnayan sa loob at labas
ng samahan , maging ang pagtitiyak
sa kapanatagan at kagalingan ng kasapi at samahan , dapat bumalangkas ang samahan programa , palatakdaan ng gawain at panuntunang magtitiyak sa lahat
ng ito.
SEK.11. Naniniwala ang samahan na ang Estado ng Pilipinas , ay dapat
matiyak at magkaloob ng proteksyon
sa mga manggagawa sa ibayong dagat , pagkakapantay pantay ng pagkakataon sa paggawa
o pagtatrabaho , anuman ang kanyang lahi
o relihiyon . dapat din matiyak ng
estado ang maayos na ugnayan ng manggagawa sa ibayong dagat , makatarungan pasahod
at benipisyo at makataong kalagayan sa loob
ng paggawaan o opisina o pabahay ng kumpanya.
Artikulo III –Saklaw ng Kapangyarihan
Sek 1.- Tanging ang ganap na kasaping manggagawang Pilipino
sa Obeikan Investment Group sa KSA ang saklaw o sakop ng kapangyarihan ng Saligang Batas na ito at ng mga panuntunan binalangkas , babalangkasin , ipinatupad o ipatutupad .
Artikulo IV-Kasapian
Sek.1. – Ang kasapian ng OFWA ay bubuiin ng mga Pilipinong Manggagawa sa alin mang kagawaran , sangay o kumpanya ng Obeikan Investment Group na nagpahayag ng kagustuhan, kahandaan at pagnanais na maging kasapi ng kapatiran.
Nakatira man sa pabahay ng
kumpanya o hindi.
Sek 2 Tungkulin , Pananagutan
at Karapatan ng Isang kasapi
a. Tungkulin ng
sinumang kasapi ang pangalagaan
ang magandang pangalan at
integridad ng samahan sa lahat ng oras o pagkakataon.
b. Tungkulin ng sinumang kasapi ng samahan ang dumalo at aktibong makilahok sa mga programa , gawain at pagpupulong ng mga kasapi.
k.Tungkulin ng sinumang kasapi ang aktibong isulong ang layunin at mga inisyatibang inilulunsad ng samahan.
d. Tungkulin ng sinumang kasapi ang sumunod
o tumalima sa panuntunan o disiplinang
ipinatutupad at ipatutupad ng samahan.
e. Tungkulin ng sinumang kasapi ang
magbayad ng kaukulang taunang “ membership fee (50 SR )
“,regular na butaw (dues ) 5 SR /buwan at iba pang kontribusyon
na pinagpasyahan ng kapatiran.
g. Tungkulin at pananagutan ng
sinumang kasapi na gampanan ang responsibilidad o iniaatas na gawain sa
kanya ng samahan.
h. Pananagutan ng sinumang
kasapi ang anumang pag-aari o pananalapi
na ipinagkatiwala sa kanya ng
samahan.
i. Karapatan ng sinumang lehitimong kasapi ang manomina o mahalal sa alin
mang posisyon ng samahan .
l. Karapatan ng sinumang kasapi ang mapatalastasan sa mga programa, gawain at inisyatibang ilulunsad ng samahan para sa kasapian at
sa labas ng samahan.
m. Karapatan ng bawat kasapi na mabatid ang kabuuang kalagayan ng samahan, maging ang kalagayang pananalapi nito, matapos ang paglulunsad ng alin mang gawain o termino o panunungkulan ng pamunuan sa isang takdang panahon.
n. Sa lahat ng pangkalahatan o espesyal na
pulong na tinawag para sa kasapian, karapatan ng bawat kasapi ang
mapatalastasan at mabigyan ng sipi ng katitikan ng pulong o pagtitipong inilunsad.
o. Naayon sa panuntunan,
karapatan ng sinumang kasapi ang magsuri ng mga ulat o dokumento ng samahan.
p. Sa maayos na paraan o proseso , karapatan ng bawat
kasapi ang mag mungkahi , magpaabot ng
puna o pagwawasto sa alin
mang maling tunguhin o tinatahak na direksyon, programa, panawagan o panuntunang ipinatutupad ng samahan .
r. Maykarapatan din
ang sinumang kasapi na makilahok sa mga
pangkalahatang desisyon o pagpasya na kinakailangan at tinawag para ditto.
s. Karapatan ng sinumang kasapi o ng kagyat at lehitimong pamilya
(kung ang kasapi ay bawian ng buhay o mamatay na aktibong kasapi ) ang magtamasa , makinabang o tumanggap ng pribelihiyong ipinagkakaloob sa sinumang kasapi kung mayroon at itinatadhana
ng panuntunang binalangkas at naayon sa
pribelihiyo at benepisyo ng isang kasapi.
t. Karapatan ng sinumang ganap na kasapi na tumangggap , magkaroon
o pagkalooban ng pagkakalilanlan ng pagiging kasapi ( ID) , sertipikasyon
o katibayan ng pagiging kasapi o anumang kinakailangang patunay ng kanyang pagiging
kasapi.
Sek 3 . Pagtitiwalag o Diskuwalipikasyon ng kasapi .
Ang mga sumusunod na kalalagayan
o kundisyon ay maaaring maging sanhi ng
pagkawala ng pagiging ganap na kasapi
o diskuwalipikasyon o pagtitiwag sa isang kasapi:
- Magpasyang lisanin ang trabaho o mag exit sa alin mang kumpangyang saklaw o bahagi ng Obeikan Investment group .
- Tinggal ng kumpanya sa trabaho dahil sa pagkalugi o pagkabangkarote
o pagbabawas ng tao dahil sa pagkalugi o pagbabawas ng gastusin
- Itiniwalag ng samahan
dahil sa paglabag sa panuntunan
ng samahan, ng kumpanya , ng batas
ng Pilipinas o ng Saudi Arabia.
Artikulo V - ANG
PAMUNUAN, TUNGKULIN , PANANAGUTAN , KARAPATAN AT KAPANGYARIHAN
Sek.1 . Ang pamunuan ng OFWA ay
bubuuin ng Over All Chairman, Vice –Chairman ng mga kumpanyang sakop ng OIG, Kalihim, Ingat-yaman , Tagasuri
o auditor, Tagapamayapa, at mga Pinuno ng Lupon na ihahalal ng mga kasapi , sa paraang napagkasunduan ng mayorya sa isang partikular na araw na ito ay tinawag at itinakda para ganapin ang halalan.
Sek 2. Ang pamunuan bilang isang buong organo o katawan ay dapat
kumilos ng sama-sama ayon
sa layunin at mithiing itinakda o
pinagkasunduan ng mayorya ng samahan.
Sek 3. Ang Over-All Chairman , katangian o kuwalipikasyon ,tungkulin , pananagutan at karapatan
a. Bilang pinakamataas na halal na pinuno
, tungkulin niya tingnan, pangalagaan at subaybayan ang tunguhin , Gawain, programa , kapwa kasama sa pamunuan at ang kabuuang kaayusan ng kapatiran ayon sa layunin at mithiing makamit nito
b. Tungkulin at pananagutan din ng Over-All Chairman ang kumatawan sa samahan sa mga pulong, imbitasyon o gawain kung saan tinawag o hiniling ang presensiya o representasyon ng kapatiran
.
k. Tungkulin , pananagutan , karapatan at
kapangyarihan din nito ang ipatupad ang mga programa, Gawain , inisyatiba at
panuntunang binalangkas ay pinagtibay ng pamunuan o ng kasapian, na laging may pagsasaalang –alang sa pangalan
, integridad , layunin at mithiin ng kasapian.
d. Tungkulin , pananagutan, kaparatan at saklaw ng kapangyarihang ipinagkaloob sa
Over-all Chairman ang magpalabas ng mga kalatas
, ulat o kumunikasyon para sa lahat
ng kasapian , ibang organisasyon , institusyon pribado man o publiko na kinakailangan at makabubuti sa samahan at kasapian nito.
e. Tungkulin , pananagutan, karapatan at saklaw din
ng kapangyarihan ng Over-all chairman ang
lumagda sa mga ulat , dokumento
at kauri nitong may kinalaman sa samahan.
g. Tungkulin , karapatan , saklaw ng kapangyarihan at pananagutan din ng Over-All Chairman ang magmungkahi, mag rekomenda ng mga panuntunan , programa at inisyatibang makabubuti sa kasapian at kapatiran.
h. Tungkulin ,karapatan , pananagutan
din ng Over All Chairman ang
gumanap ng iba pang tungkulin pinagpasyahan ng mayorya ng pamunuan o
ng kasapian.
Sek. 4. Ang Vice-Chairman -Katangian, kwalipikasyon, tungkulin at Karapatan
a. Sa halalang pampamunuan, ang kasapian ay dapat maghalal mula sa mga nominadong kasapi
ng tatayong PangalawangTagapamahala o Vice chairman na kakatawan sa ibat-ibang kumpanya sa
ilalim ng OIG.
b. Hanggat maaari , ang dapat na mahalal na V-Chairman ay may pagpapahalaga at komitment sa kapakanan ng
mga kasapi .may kakayahang magpasunod ,kinikilala at iginagalang ng mga kasamahan.
c. Tungkulin, pananagutan at karapatan ng mahahalal ang
panguluhan o pamunuan at ibat-ibang lupon na
bubuin sa loob ng samahan.
d. Tiyakin may programa at sistemang sinusunod sa paglulunsad ng gawain ng Lupong kanyang pinamumunuan tungo sa pagkakamit ng layuning nais marating.
e. Sa panahong wala o hindi makagampan ang Over all
-Chairman , mula sa mga nahalal na chairman sa isang espesyal na pagpupulong
pipili ng pansamantalang gagampan
ng tungkulin o pananagutan ng Over-All
chairman, taglay ang gayundin, tungkulin, pananagutan at karapatan.
f. Tungkulin , pananagutan at karapatan ng Vice Chairman ang aktibong lumahok at makiisa sa mga pulong , gawain , programa at inisyatiba
ng samahan.
g. Tungkulin at pannagutan din niya ang magsumite ng kinakailangan
ulat ng samahan sa lupon o gawaing
kanyang dinaluhan o inilunsad.
h. Tungkulin , pananagutan at karapatan din ng isang Vice chairman ang gumanap ng iba pang tungkulin ayon
sa kahilingan, kalagayang umiiral
o pangangailangan at pagpapasya
ng mayorya ng pamunuan o ng kasapian.
Sek .5. Kalihim- Katangian,kwalipikasyon
, Tungkulin , Pananagutan at Karapatan
a. Ang samahan sa pamamagitan ng opisyal na halalan ay pipili o maghahalal ng isang
Kalihim , na magmumula sa alin mang
kumpanya ng OIG.
b. Hanggat maaari , ang ihahalal na
kalihim ay dapat marunong gumamit ng
computer, may kakayahang gumawa ng ibat-ibang uri sulat o liham, kumalap ng
impormasyon, may kasanayan sa pakikipag usap o pakikipagtalastasan sa mga kasapi at may organisadong sistema ng pag iingat ng dokumento ng samahan.
k. Hanggat maaari ang ihahalal na kalihim ay may kakayahang magsalita, magbasa at magsulat sa wikang Inglis .
d. Tungkulin ng maihahalal na kalihim ang
kumuha ng tala o katitikan ng mga pagpupulong, mahahalagang impormasyon tungkol sa mga kasapi at iba pang
impormasyong mahalaga sa samahan
at kasapian.
e. Tungkulin ng kalihim ang pagkakaroob ng organisado at sistematikong paraan ng pag iingat , pagtatala at pag papaunlad ng mga dokumentong nasa kanyang pag iingat.
( 6 )
g. Tungkulin at pananagutan ng
Kalihim ang magpadala ng
kalatas , paanyaya ,liham pangkabitiran o anunsiyo sa mga kasapi sa mga pagpupulong
o gawaing kinakailangan ang kanilang
pagdalo o pakikilahok.
h. Sa pakikipag ugnayan sa iba
pang pinuno ng samahan, tungkulin at pananagutan ng kalihim ang mangalap ng ibat-ibang
ulat , tala o dokumento sa mga
gawaing inilunsad , dinaluhan ng kasapi o pinuno , ginugulan ng samahan at kauri
nito.
i. Tungkilin , pananagutan at karapatan ng Kalihim ang magsuri , mag mungkahi ng pagbabago o pagpapalit upang iwasto
o itama ang mga ulat at talang isusumite
sa kanya ng mga kasapi o pinuno sa lahat ng pagkakataon.
l.Tungkulin at karapatan ng Kalihim ang aktibong lumahok sa mga pagpupulong
, pagbuo ng plano, gawain , programa at panuntunan na makapagpapaunlad sa samahan.
m. Sa panahong mawala , magbitiw o pumanaw ang Chairman, at Vice Chairman, tungkulin, pananagutan at karapatan ng Kalihim na tumayo, pansamantalang humalili at gumanap
ng kanilang tungkulin , habang hindi pa napipili o napagbobotohan ang papalit sa kanila.
n. Tungkulin , pananagutan at karapatan ng Kalihim ang dumalo at aktibong makilahok sa mga pagpupulong , gawain ,
proyekto at inisyatibang ilulunsad ,
lalahukan o dadaluhan ng samahan .
Sek. 6. Ingat-Yaman , Katangian, Kuwalipikasyon, Tungkulin, Pananagutan at
Karapatan
a. Sa halalang pampamunuan gaganapin , ang kasapian
ay maghahalal din o pipili ng sa
palagay nila ay karapat dapat maging Ingat-yaman ng samahan.
b. Hanggang maaari isang kasaping may karanasan sa ganitong
posisyon o kasanayan ang mahalal o mapili
k. Bilang halal na
pinuno, tungkulin at pananagutan
ng Ingat-yaman ang mahusay
na paghawak at pag –iingat ng kayamanan at pag-aari ng samahan.
c. Bilang Tagapangulo ng Lupon sa Pananalapi , kasama ng iba pang pinuno , tungkulin at pananagutan ng Ingat-yaman ang pagbuo
ng pangkalahatang gugulin o badyet
, pagbalangkas ng Programa at partikular na panuntunan sa paglalabas ,paggugol at pagpasok o pagsasampa ng pondo at pag-aari ng samahan.
d. Panguhaning tungkulin, pananagutan at karapatan ng Ingat-yaman
kasama ang mga Tagasuri na
magtiyak ng maayos na daloy ng badyet o pananalapi ng samahan , ginugugol ng ayon sa pangangailangan at pinagpasyahang gawain, proyekto at gastusin ng kapulungan
o samahan.
e. Bilang isa sa
lalagda ,tungkulin , pananagutan at karapatan ng Ingat yaman , sa pagpapasya
ng mayorya na ilagak ang pera ng
samahan sa isang institusyong
pinansiyal . At ilabas ito ayon
sa programa at pangangailangan ng samahan.
g. Tungkulin at pananagutan ng Ingat –yaman ang regular na mag palabas ng ulat sa katayuang pampinansiyal ng samahan, gayudin sa mga pagkakataong hingan o kailanganin
ito. Ang mga ulat bago ipalabas
ay dapat nasuri at pinagtibay ng mga tagasuri
ng samahan.
i. Tungkulin , pananagutan at karapatan ng Ingat-yaman ang
humingi ng katibayan -patunay sa
lahat ng mga gugulin , paglalabas , pagsasampa ng pondo sa samahan.
l. Tungkulin at karapatan ng ingat-yaman ang aktibong
lumahok sa mga pagpupulong , pagbuo ng plano , gawain at panuntunang makapagpapaunlad sa samahan.
m. Tungkulin , pananagutan at karapatan ng Ingat-yaman ang gumanap ng iba
pang tungkulin iniatas sa kanya ng samahan o ng pamunuan.
Sek.7. Tagasuri o Awditor, Katangian , Kwalipikasyon, Tungkulin, Pananagutan
at Karapatan
a. Sa halalang pamunuan
, maghahalal o pipili ng 2 Tagasuri
ang kasapian , na kukunin sa mga
nominado na nakapagtala ng pinakamaraming boto.
b. Hanggat maaari ang dapat mahalal na tagasuri ng samahan
ay nagtapos ng kursong malapit sa uri ng
tungkuling gagampanan niya.
k. Bilang halal na tagasuri, tungkulin , pananagutan at karapatan
nito ang mahusay at maayos na paggugol, at pagsasampa ng pondo ng samahan.
d.
Tungkulin din at pananagutan ng tagasuri ang patuloy na pagsusuri at pagpapalabas ng ulat
pinansiyal ng samahan matapos ang isang takdang panahon kinailangan ang
kanilang pagusuri.
e. .Kasama ng Ingat –yaman , gumanap ng mahalagang papel sa Lupon sa Pananalapi sa lahat ng gawain, proyekto ,program at inisyatiba ng samahan.
g. Tungkulin at pananagutan din ng tagasuri ang magtiyak na maayos , organisado at sistematikong paglalabas o pagsasampa
ng pondo sa samahan.
h. Tungkulin at karapatan ng mga tagasuri ang aktibong lumahok sa pagbabalangkas ng plano,
badyet , panuntunan at gawaing makapagpapaunlad sa samahan at kasapian.
i. Tungkulin at pananagutan ng tagasuri ang gumanap ng
iba pang tungkuling
iniatas o iiaatas sa kanila ng samahan at pamunuan .
Sek .8. Pinunong Tagapagkasundo
at Tagapagpanatili ng Kaayusan- Katangian ,Kwalipikasyon, Tungkulin, Pananagutan at Karapatan
a. Tulad din ng
ibang posisyon sa pamunuan
, sa araw ng halalan , ang kasapian ay kinakailangang mag halal o pumili ng 3 o
mahigit pang bilang ng Pinunong Magtitiyak ng
Kaayusan at Magandang ugnayan ng kasapian.
b. Kinakailangang may matatag na paninindigang ipatupad ang
narararapat na disiplina at
kaayusan sa loob ng samahan , maging sa panahon ng mga gawin at pagtitipon ng samahan.
k.. Tungkulin, Pananagutan
at karapatan ng mga Pinunong tagapagkasundo at
tagapag ayos ang magpanukala , lumahok sa paggawa ng mga pandisiplinang hakbang o pagwawasto sa mga kasaping nakagawa ng
paglabag sa panuntunan ng samahan at batas ng lipunan sa KSA at sa Pilipinas,lalo
nat ito ay nakakaapekto sa iniingatang pangalan ng samahan.
d. Tungkulin at pananagutan ng mga pinunong ito ang dumalo ng regular sa mga pagpupulong, pagtitipon at gawaing inaasahan at kailangan ang kanilang presensiya at pakikiapahok.
e.. Tungkulin ,pananagutan
at karapatan ng mga pinunong nahalal
na magsuri at ipatupad ng walang pasubali ang mga panuntunan at pandisiplinang hakbang na
ipinatutupad ng samahan para
sa mga kasapi.
g.. Tungkulin , pananagutan
at karapatan din ng mga nahalal na pinuno
ang dumalo o kumatawan sa samahan sa mga pagtitipon na kinakailangan ang kanilang pakikilahok .
h.. Tungkulin, pananagutan
at karapatan ng mga halal na pinuno
na pamunuan ang Lupon sa Kaayusan at Kapayapaan ng samahan.
i.. Tungkulin, pananagutan
at karapatan din nila ang gumanap ng ibang pang tungkulin sa samahan , ayon sa pasya ng mayorya ng pamunuan o ng kasapian.
Artikulo VI– Halalan ng Pamunuan At Haba ng Panunungkulan
Sek 1. Ang Halalang
Pampamunuan ng kapatiran ay itatakda o
magaganap sa Unang Huwebes o Biyernes Enero ,
ng susunod na taon ng huling taon ng
panunungkulan ng kasalukuyang
pamunuan.
Sek 2. Ang lugar at panuntunan sa gaganaping halalan ay ipaaabot sa
kabatiran ng lahat sa paraan sa pamamagitan ng email , pagpapaskil sa mga
villa at iba pang kapamaraanan .
Sek.3. Upang matiyak
ang maayos at malinis na halalan ng susunod na pamunuan, bubuo ng Adhoc na Komite
sa Halalan na siyang mangangasiwa
sa gaganaping botohan. Ito ay bubuuin
ng 5 -7 katao na pinili ng
kasapian.
Sek.4. Ang lahat ng pinuno
, sa pamamagitan ng pagpili o pagboto
ng mga kasapi ay pinahihintulutan
ang re eleksyon o hanggang nanatili
ang tiwala, kumpiyansa at nakikitang epektibo
o mabisa ang pamumuno ng isang opisyal
ng samahan.
Sek.5. – Walang
sinumang kasapi ang mahahalal o
manonomina sa alin mang posisyon na wala sa kapulungan kung saan ginaganap ang halalan.
Sek.6. Ang pagsasalin at panunumpa ng bagong halal na pamunuan
ay magaganap sa ikatlong Huwebes o Biyernes
ng Enero kung kailan ginanap ang halalang pampanunuan.
Sek. 7 – Ang
lahat ng pamunuan , maging ang mga pinuno
ng lupong bubuuin at mga espesyal
na posisyon na bubuuin ay manunungkulan
sa loob ng 2 taon.
Sek. 8. Pinahihintulutang
muling tumakbo o mahalal ang sinumang pinuno sagyung ding posisyon o pwesto , maliban
nalamang kung madiskuwalipika dala ng paglabag sa mga panuntunang itinakda sa halalan at panuntunan ng samahan.
Artikulo VII. – KARAPATAN SA HALAL
Sek.1. Ang karapatan na ihalal o mahalal sa mahahalagang posisyon
sa samahan ay karapatan ng lahat
ng kasapi nito. Maliban na lamang na sa
kung araw na ito ay ginanap ay liban o wala ang kasapi o winalan siya ng karapatan sa pagboto o maiboto
dala ng paglabag sa panuntunan at disiplinang ipinatutupad ng samahan.
Sek. 2. Ang Lupon o
Komite sa Halalan bago ang takdang araw ng halalan ang siyang babalangkas ng isang sistema sa pagdaraos ng halalan upang matiyak ang maayos at malinis ito.
ARTIKULO VIII -
PANANALAPI AT PAG-AARI NG KAPATIRAN
Sek. 1. Ang papanalapi o pondo ng
OFWA ay magmumula sa membership
fee , regular na butaw , donasyon , gawaing pagsasampa ng pondo at iba pang
legal na paraan ng pagkukunan nito.
Sek .2. Ang pondo ng kapatiran ay tanging sa opisyal na gawain , proyektong
pangkawang gawa o pakikipagkapwa tao , pribelehehiyo at benipisyo ng mga kasapi ilalaan o gugugulin ayon sa itinakdang panuntunan para sa pagugol nito.
Sek.3. Ang lahat ng paggugol o gastusin ng samahan ay
dapat sang ayon o naaayon sa partikular na panuntunang itinakda para ditto.
Sek. 4. Bilang pangkalahatang
panuntunan , anumang guguling para sa samahan ay dapat bigyan ng kaukulang katibayan o resibo na magpapatunay na lehitimo ang pagkakagastos nito.
Sek. 5 . Ang lagda ng Chairman
, Ingat –yaman at ng mga tagasuri ay
kinakailangan sa anumang pagpapasok at paglalabas ng pondo ng samahan.
Sek. 6. Ang Ingat –yaman kasama ang mga Tagasuri o awditor ay dapat regular na magpalabas ng ulat matapos ang isang
opisyal na gawain ,bukod
pa sa yugto yugtong (periodic) pag-uulat
ng kalagayang pinanisyal ng samahan.
Sek. 7 . Ang pondo
ng samahan ay ilalagak o I deposito sa ngalan
ng samahan sa isang bangkong napagkasunduan ng mayorya ng kasapian.
Sek. 8 . Ang lahat ng bagay o materyales na nabili simula sa pormal na pagkakatatag
at pagkakaroon ng pagkilala o akreditasyon ng Embahada ng Pilipinas ay mananatiling
pag-aari ng kapatiran na ,iingatan
ng Ingat-yaman o pinunong napagkasunduang
magsinop o mag-ingat nito.
Sek. 9 .Lahat ng pag aari ng kapatiran ay kinakailangang iulat o imbentaryo , panapanahon at ipabatid sa
lahat ang kalagayan nito.
ARTIKULO IX – BENIPISYO NG MGA KASAPI
Sek. 1. Itinatakda ng bahagi ito ng Saligang Batas na lahat ng lehitimo oregular na kasapi ay may karapatang tumanggap ng benipisyong ipinagkakakoob ng samahan sa lahat ng kasapi matapos na ito ay
makapagbayad ng kaukulang membership fee.
Sek. 2 .Tulong sa Pagkasawi ,pagpanaw o tuluyuang pagkabalda ng kasapi – Ang sinumang kasapi na namatay
o tuluyang nabalda o nawalan na ng kakayahang maghanap buhay habang siyang ay ganap na kasapi ay may karapatang tumanggap na kaukulang tulong mula sa samahan na itatakda
sa espisipikong panuntunang babalangkas para ditto.
a. Kung
ang namatay na kasapi ay may lehitimong
asawa , sa asawa ito ipagkakaloob
at kung wala na ring asawa sa isang
lehitimong anak ito ipagkakaloob.
b. Kung
ang nasawi o nabaldang kasapi ay binata at wala ng kakayahang tumanggap ng benipisyo na aktuwal , ang magulang o sa isang lehitimong kapatid ipagkakaloob ito.
Sek. 3. Tulong sa Pagpanaw ng Kagyat na Miyembro ng Pamilya ng Kasapi.
a. Sa pagkamatay ng asawa, anak at magulang
, ang samahan sa isang espisipikong panuntunan ay magtataka ng halagang ipagkakaloob
ng samahan bilang tulong o benepisyong kailangan matanggap
ng usaoing ito.
b. Sa pagkamatay ng kapatid , ang samahan ay magkakaloob din ng tulong pinansiyal oo benipisyong laan at kailangang matanggap ng sinumang kasapi.
Sek 4. Tulong sa Biktima ng Kalamidad- Ang sinumang lehitimo
o ganap na kasapi na naging biktima
ng kalamidad ay may karapatang tumanggap
ng tulong pinansiyal mula sa samahan.
Sek. 5 Ang lahat ng benipisyong ipagkakaloob sa sinumang kasapi at dapat
dumaan sa masusing pagsusuri at nangangailangan ng mga patunay o dukumentong susuporta sa benipisyong dapat matanggap ng isang kasapi mula sa samahan.
Sek 6. Ang lehitimong asawa , anak
o pamilya ay ang orihinal na asawa,anak o pamilya , ng kasapi. Legal , kinikilala ng bawat partido at
ideneklara sa opisyal na membership form ng
kasapi
Sek .7. Regalo o Alaala sa Kaarawan at
Kasal- Ayon sa kakayanan
o kalagayang pinansiyal at pagpasyahan
ng mayorya
Sek .8 Boluntrayong tulong sa dating kasapi
na Samahan na pumanaw o
nawalan na ng kakayahang maghanap buhay . Sa
isang espesyal na pulong na
tatawagin , maaaring pagpasyahan ang
pagkakaloob ng boluntaryong tulong sa isang
dating kasaping pumanaw o tuluyan ng nabalda o nawalan ng kakayahang maghanap
buhay.
Sek. 9.Inaaalisan o mawawalan ng karapatan , benipisyo
o pribelehiyo ang sinumang kasapi na nahatulan
o napatunayang lumabag sa Saligang Batas
ng samahan , batas ng Saudi Arabia o ng Pilipinas.
Sek.10. Ayon sa kalagayang pampinansiyal ng samahan, bukod sa mga
nabanggit , maaari pa ring magkalooob ng ibang anyo o porma ng tulong sa mga
kasapi nito ayon sa pasya ng mayorya.
ARTIKULO X
– ANG MGA LUPON O KOMITE NA BUBUUIN
Sek .1 . Ang OFWA sa ilalim
na Saligang Batas na ito ay bubuo ng
mga Lupong makakakatuwang ng pangkalahatang pamunuan sa pamamahala at pagpapatakbo ng samahan.
Sek . 2. Ang Lupon na bubuuin ay ang mga sumusunod:
a. Lupon sa Pag-aaral/ Pananaliksik /Dokumentasyon - Dapat linawin na hindi lamang ang mga mag-aaral sa paaralan ang dapat mag-aral kahit maging ang mga manggagawa o ordinaryong tao sa alin mang samahan ay dapat
patuloy ang pagpapalalim ng kanilang kamalayan o kamulatan sa tunguhin , layunin at lahat ng bagay na may kinalaman at
magpapaunlad sa kanilang samahan.
1. Pangunahing tungkulin o gampanin ng Lupon ang bumalangkas kasama ang pangkalahatang pamunuan ng isang pang mahabang
panahon na programa ng pag-aaral ,kasama na ang mga kasanayang dapat matutunan
ng mga namumuno, at kasapian sa lahat ng aspeto.
2. Kasama sa
mga ito ang paggawa ng badyet,magtukoy
ng mga magbibigay at tatanggap ng pagsasanay o pag aaral .
3. Tungkulin din at pananagutan ng Lupon ang patuloy na pagsasaliksik , pag iingat at pagkakaroon
ng isang organisadong sistema ng pag uulat at
pagsisinop ng mga dokumento o kasulatang
may kinalaman sa samahan .
4. Maging ang promosyon o pagpapakilala ng samahan ay tungkulin o saklaw ng lupong ito..
5. Sa mga
gawain, pagtitipon o pagsasanay , pangunahing ang mga kinatawan ng Lupon na
dumalo o kumatawan sa mga ito.
b. Lupon sa Pananalapi at Kabuhayan –
Walang samahan sa daigdig ang umunlad
at nagtagumpay ng walang pagsasaalang –alang sa pananalapi o kabuhayan
ng samahan. Kung kayat bubuuin ang
Lupon na ito upang matiyak ang matatag
na sistema ng paghawak ng pondo ng samahan at gawaing pagsasampa ng pondo.
· Ang Lupon din ang pangunahing may kinalaman , kikilos o babalangkas para sa anumang proyektong
pangkabuhayan ng samahan sa Pilipinas man o sa Saudi Arabia na mapagpasyahan
ng samahan.
k.. Lupon sa Kaayusan at Disiplina- Ang Lupong ito ang pangunahing may kinalaman sa pagpapanatili ng kaayusan , disiplina at mahusay na sunuran
ng mga kasapi sa lahat ng pagtitipon at gawain nito.
Kasama ng Pamunuan , ipatutupad ng lupon ang anumang panuntunan o pandisiplinang may kinalaman s apag-aayos ng ugnayan at disiplina ng mga
kasapi sa lahat ng panahon at pagkakataon.
d.. Lupon sa Paggawain o Proyekto – Ang lupong ito ang pangunahing may kinalaman sa mga ilulunsad na gawain proyekto ng samahan hinggil sa kabuhayan o negosyong papasukin ng samahan kung
dumating ang pagkakataong umunlad
o magpasya at pagkasunduan ng mayorya.
e.. Lupon
sa Palakasan at Kalusuagan – Ang lupong ito ang pangunahing babalanagkas , mangunguna at magsasaayos ng mga gawaing
pampalakasan at pangkalususgan ng kasapian at pakikilahok ng samahan sa labas
ng samahan.
g. Lupon
sa Kasiyahan at paglilibang - Pangunahing gawain nito na pagtuunan ng pansin ang pagpapaunlad ng mahusay ugnayan o relasyon ng bawat kasapi sa isat-isa.
Sa partikular,pangunahing tungkulin o gampanin ng lupon ang mga programa, panuntunan sa mga gawaing paglilibang ang pangkasiyahan
ng samahan .
h..
Lupon sa Kasapian at Mahusay na Pamamahala o Pagpapatakbo ng Samahan-
Kasama ang pamunuan ,pangunahing tungkulin ng lupong ito ang pagsasala o pagsusuri sa mga Pilipinong sasapi sa samahan
at magtiyak ng mahusay na pagpapatakbo o pamamahala ng mga namumuno sa samahan.
Ang Lupon ding ito ang tatayong mata
, bibig at tainga ng samahan sa lahat ng
pagkakataon.
i.. Lupon
sa Gawaing Pangpamayanan at Panglipunan - Ang
lupong ito ang pangunahing may kinalaman
sa mga proyekto , gawaing pakikipagkaisa ng samahan sa pamayanan, ibang organisadong samahan, institusyon ,pribado man o publiko, at ugnayang panlabas ng samahan, sa KSA at sa Pilipinas .
l.. Lupon sa Halalan
–
Ang pangunahing may kinalaman sa
halalang gaganapin sa samahan sa mga takdang panahon o pangangailangan. Sa
mga usapin, panuntunan at pagsasaayos ng sigalot , hidwaan ,katanungan o paghahabol sa naganap na halalan, ang Lupon din sa halalan ang may karapatan at unang mananagutan
sa samahan.
m.Espesyal
o Ahdoc Committee/s – Sa isang takdang panahon , ang
pamunuan kasama ang mayorya ng lupon ay
pinahihintulutang magbuo ng iba pang
lupong kakailanganin ang
mga ito bukod sa mga regular na lupong nabuo na.
Sek. 3. Ang lahat ng maitatalaga o mahahalal sa bawat lupon na pinuno o kasapi ay manunungkulan din sa haba ng panahong ipinagkakaloob sa
mga regular na pinuno ng
samahan .
Sek .4. Lahat ng Lupon kasabay ng
pangkalahatang pamunuan ay siyang mananagutan o may tungkulin bumalangkas ng isang pangkalahatang programa, badyet , panuntunan at palatakdaan ng gawain para
sa samahan ayon sa napagkaisahang tunguhin o layunin ng samahan.
Sek. 5 Ang Lahat ng lupon ang siyang may kinalaman sa pagbalangkas ng
mga partikular na panuntunan sa mga proyektong kanilang ilulunsad.
Sek .6. Ang lahat ng
Lupon , maliban sa Lupon sa Pag-aaral, Pananalapi
at Kasapian ay pamumunuan ng mga nahalal na Vice Chairman ,na maghahalal
ng kani kanilang Lupong hahawakan at kasapian.
ARTIKULO X1 – SUSOG O MGA PAGBABAGO SA SALIGANG BATAS
Sek.1. Anumang susog o pagbabago sa alin mang bahagi ng saligang
batas na ito ay maaaring maganap
o mapagtibay sa kahilingan ng mahigit sa
kalahating bilang ng buong kasapian sa isang espesyal na pulong na
tinawag para ditto.
Sek 2. Sa pamamagitan ng isang pormal na kahilingan kung saan, nakasaad ang
bahagi o probisyon na nais baguhin gayundin ang mungkahi pagbabago , ang anumang pagbabago o susog ay maaaring maganap , matapos na mapag-usapan sa kapulungan
at makapangalap ng pagsang-ayon ng mahigit kahating bilang ng kasaping lumagda sa pagbabago o pagdaragdag .
Sek . 3 Dalawang linggo matapos maisumite ang kahilingan o
susog na pagbabago itatakda ang pagdinig
o pagpupulong para sa probisyon o bahagi ng Saligang Batas na gustong baguhin , amyendahan o palitan.
Sek . 4. Isang Linggo matapos na makalap at malagdaan
ng mahigit sa kalahating kasapi ng kapatiran
, ang probisyon na pinalitan
ay magkakabisa o ipatutupad .Gayundin ang bahagi
o probisyong pinalitan ay mawawalan ng bisa.
ARTIKULO XI1-
PAGTITIBAY , RATIPIKASYONAT PAGKAKABISA
Sek. 1. Sa
isang petsa o araw na itatakda ang Saligang batas na ito ay pagtitibayin ng mga ganap na kasapi ng samahan sa pamamagitan
ng pasya ng mahigit sa kalahati
( ½ plus 1) ng mga kasaping dumalo sa pulong o botohan.
Sek. 2 .Pinagtitibay at magkakabisa ang Saligang Batas na ito ngayong ika- ____ng ______________, 2009, .